today's the reunion day, eugene batch 2003,
did not go, chose partly not to go
ewan ko kung may nainis sakin dahil di ako nagpunta pero siguro wala naman
from duty natulog ako sa dorm, naligo, nagbihis, nagayos, nagisip, nakipagkwentuhan kay jeni, nagtext kung kanino ako sasabay, tinext ko si jommel pero naisipan niya na dumiretso don, sayang sana dumaan siya siguro tumuloy ako, si jobel nagreply pero ayaw naman niya pumunta at kasama niya si ian, si toni may date daw, si gerald nasa monumento, si redits hindi sumasagot, si maat as usual nagtatanong, si joram hindi ko magets yung reply... humiga nalang ulit ako sa kama sa dorm, tiningnan ang oras, naisip na uuwi na lang ako para matulog, maginternet tulad nito... iloop ang kanta ni sara bareilles na many the miles sa youtube, naisip ko pano if pumunta ako wala lang naman, naisip ko yung ako at ang di ko maintindihan na lovelife ko na masaya naman pero sana totoo, at naisip ko din na tapos na ang pasko, wow ang bilis , back to normal na naman ang mga kaso sa operating room ng capitol sa lunes, naisip ko paalis na si jeni, wala na akong room mate dahil si doktora kaye bihira din andoon, wala na ko makekwentuhan pag hindi ko maintindihan si jommel o ang sarili ko, pag toxic sa o.r., pag may lakad ako, wala na din magkkwnto sa akin at kashare ko sa grocery, nakakalungkot naman, hay, sana maayos din niya ang magiging bagong buhay niya, sana matuloy kami sa lunes para kumain at makapagbonding din bago siya umalis,.. sana maging okay na lahat, sana sana maging maayos na lahat ng magulong bagay at sitwasyon... pati na ang charger ng laptop ko na compaq hp.
Saturday, December 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment