Thursday, March 11, 2010

may mga araw na ganito

oo na oo na oo na magda-diet na ko!!! magdadiet na talaga ko... gosh gosh gosh i must have gained weight..at sa dami dami ng sinulat ko sa blog na to na hindi nagkatotoo, eto talaga gagawin ko naaaaaa...kaya ikaw walang kokontra...mamatay na ang kumontra.. wuahahahaha... parang eto yung mga araw na bwisit na bwisit ako sa seatmate ko na si clyde dati kaya ako nagdiet..epektib in fairness....

so anyway ..

nangyari na ba sayo yung pumila ka sa fx, siguro mga pangatlong fx ka pa o pangalawa basta di ikaw yung susunod na makakasakay...tapos naisip mo na ang tagal, mga lima o sampung minuto na wala pa din dumadating, at humahaba na yung pila sa likod mo, tapos narealize mo na paano kaya kung magbus na lang ako o kaya ay magtaxi.. na parang gusto mo na umalis sa pila..pero naisip mo sayang na yung inintay mo na oras diba, tapos ang haba na nga nung pila sa likod mo, tsaka paano kung di ka na makasakay ng bus o taxi din? at paano kung biglang dumating yung fx sakto na umalis ka sa pila?..parang pag-ibig ano? kaya di mo alam kung maghihintay ka ba o aalis na lang.

hanep hanep, naisip ko lang lahat yan habang nakapila ako sa may sm kanina..siyempre hindi na ako nageemote dun tulad ng dati..dahil alam mo na ...

tapos buti na lang dala ko yung headset ko kaya nakikinig ako ng radyo, habang katxt ang ibang tao at tawa ko ng tawa habang kumakanta, at gusto ko na nga sumayaw din ..tapos biglang may lalapit na maglilimos ng pera, hihingi pala ng limos, habang busy ka nagtetext at siyempre di mo papansinin para umalis na lang, pero hindi hindi hindi talaga aalis , hanggang di ko sinasabi na wala..siyempre may pera naman ako pero ewan ko ba't hindi ako nagbigay o bakit hindi nagbibigay ang mga tao... tapos naisip ko din siyempre bakit ba ako yung nilalapitan niya e ang dami dami naman namin doon , dahil ba tumatawa ako o kaya naman e nakaheadset ako..bakit, e wala nga akong pera na pangtaxi e...

hanep talaga... naisip ko lang isulat..bilang ayaw ko na magshout out sa facebook =p